Saturday, June 27, 2009

Dapat Gawin kapag Umuulan... Bow!


Tag-ulan nanaman



Tag-ulan nanaman, anu-ano ba ang mga masarap gawin
kapag tag-ulan na? Ito ang mga pili-piling bagay na masarap,
at magandang gawin kapag tag-ulan na...




1. Ilatag mo ang iyong banig, kuhanin ang unan at matulog. Damhin ang lamig ng sahig, para ka nang naka aircon.


2. Buksan ang t.v. manood ng mga paboritong palabas tulad ng Eat Bulaga at Wowowee. Mas maganda kung sasabayan mo ito ng mainit na kape na pampainit sa panahong umuulan. At para hindi ka makatulog habang nanood.


3. Kung gusto mong lumabas pero ayaw mong mabasa ng ulan, wag ka nalang lumabas, sa loob ka nalang ng bahay kasi nga ayaw mong mabasa kaya yon sa loob ka nalang talaga. Kaya wag ka nalang lumabas, tapos imaginin mo nalang nasa labas ka habang nakatitig sa labas.


4. Paraang makakatipid sa tubig. Habang umuulan ng sobra-sobra, todo-todo to the 3rd signal lumabas ka ng bahay at maligo ka sa ulan. Nakatipid ka na sa inyong tubig may added vatamins and minerals pa ang tubig na pinaliligo moh. Mas maganda rin kung wala kang saplot sa paliligo para ramdam na ramdam mo ang kalikasan, siguraduhin mo lamang na walang mga taong nakakakita at baka kuhanan ka sa Hyden Cam(hidden cam) at i upload sa internet ang video mo.


5. Masarap ding maglaro ng board game katulad ng scrabble, word factory, o chess pwede na rin ang classic na snake and ladder pag tag-ulan, at makakatulong din itong i excercise ang iyong nilalamig na utak.


6. Isa pang masarap gawin kapag tag-ulan ay ang panood ng bold. Bakit? Pampainit.. ahahah..


7. Kung ikaw naman ay nilalamig pag umuulan magandang magsuot ng mga makakapal na damit tulad ng jacket at sweater. At isang pang arternatibong paraan ay makipag kita sa Syota at makipag yakapan magdamag. Maging maingat lang, dahil baka sa sobrang tagal ninyong magkayakap ay matungo sa pagjujut-jutan yan.. ehehe..


8. Masarap ding makinig ng iyong paboritong musika habang kumakain ng home made clubhouse at umuinom ng sobrang lamig na iced tea. Tea na mapait na binigyan ng yelo, clubhouse na gawa sa pan, cheese, mayonaise, tapos pan ulet, tapos ham, tapos mayonaise nanaman, tapos pinaka huli pan ulet. Gumawa ng sariling food recipe. Enjoy eating.



leave a comment.. thank you..

No comments:

Post a Comment