Saturday, July 4, 2009

PINK TABLE

Mayroong mag-asawa na matagal nang nagaasam na magkaroon ng sariling anak tawagin nalang natin silang Mr and Mrs. Bagumbuhay..

Ngunit sa kasamaang palad, hindi sila makabuo ng sarili nilang anak..

Sa tindi ng pagnanasa na magkaroon sila ng anak, dumaan sila sa iba't-ibang medical exams at nasubukan narin nilang sumayaw sa obando at manalangin ng mataimtim..


Hanggang sa di inaasahang araw biglang nabuntis si Mrs. Bagumbuhay..
at pagkalipas ng 9 na buwan nanganak na si Mrs. Bagumbuhay, at ang anak nila ay isang napaka gwapong batang lalaki na tatawagin nating Sosep..

Maykaya naman sa buhay ang mag-asawa kaya naman sunod sa luho si Sosep..
Bukod sa magandang lalaki si Sosep, napakatalino rin nito pagdating sa pag-aaral..

Siya ay pumasok sa pre-elementary..
Grumaduate siya ng may awards..
So tuwang tuwa itong mga magulang niya..

........
Mrs. Bagumbuhay: Anak, ang galing-galing mo talaga..

Mr. Bagumbuhay: Syempre nagmana sakin..

Mrs. Bagumbuhay: Anong gusto mong gift anak?
New toys?, Bagong damit? Ano anak?..

Sosep: (nahihiyang pasabi) Ma, gusto ko po ng PINK TABLE..






Mrs. Bagumbuhay:(napaisip).. O cge anak.
........

Pasukan nanaman at nasa elementary na si Sosep. Nagumpisa siya ng grade 1 at lagi siyang nasa Rank 1 bawat quarter, nagpatuloy iyon hanggang sa grade 6 consistent Rank 1. Kaya naman sa Graduation Day nila ay siya ang nanguna. Sa lahat ng gagraduate siya ang naging Valedictorian. So tuwang tuwang umakyat ng stage sina Mr. & Mrs. Bagumbuhay..

........
Mrs. Bagumbuhay: Anak talaga namang pinahahanga mo kami ng daddy mo.
We're so proud of you anak.

Sosep: Thanks ma.

Mrs. Bagumbuhay: O ano gusto mong graduation gift?
Gameboy? PSP? Computer? Ano anak ko?

Sosep: Ma, gusto ko po sana ulit ng PINK TABLE, mejo luma na kc ung dati.

Mrs. Bagumbuhay: (Napahinto at napaisip) ah anak, ayaw mo ba nung mga binanggit ko?

Sosep: PINK TABLE po gusto ko!






Mrs. Bagumbuhay: O cge anak.
........

Pagkatapos ng mahabang bakasyon sa ibang bansa. Bumalik na sila para pumasok
sa High-School si Sosep. 1st year to fourth year consistent siyang nasa honor.
At sumasali pa siya sa iba't-ibang school academic competition. So pagdating ng
graduation niya Valedictorian nanaman tong si Sosep. Galing talaga.

........
Mrs. Bagumbuhay: Anak kohh, ang galing- galing mo talaga. Very proud ako sayo.
Maipag mamayabang nanaman kita sa mga kumare ko. So anong gift
ang gusto mo? Laptop ba? New Phone? Motor bike? ano anak?

Sosep: Mami gusto ko po ng bagong PINK TABLE yung bongga ah..

Mrs. Bagumbuhay: Anak, matanong ko lang, bakit ba gustong-gusto mo ng
Pink Table, ano ba meron yon?

Sosep: Mommy naman, basta po gusto ko un eh.. please mommy.

Mrs. Bagumbuhay: O cge na nga anak.
........

Pagkatapos ulit ng bakasyon, siyempre college na si Sosep.
Kumuha siya ng kursong FineArts sa isang prestihiyosong Universities
sa Manila. Sa Madaling sabi, natapos niya ang kurso at consistent naman siyang
P.L (Presidential Lister) Grumaduate siya ng Magna..

........
Mrs. Bagumbuhay: Anak ko, ang galing mo talaga, ikaw na ang susunod na hahawak nang
business natin niyan lagi mo talaga kaming pinahahanga ni daddy mo.
anong gift gusto mo? Car? or Condo Unit?

Sosep: Mommy, wag na ung mga un. Gusto ko lang ngayun eh ung Long PINK TABLE, ah ma.
Yun lang poh..






Mrs. Bagumbuhay: Anak, ano ba yan, bakit pink table nanaman? ang dami munang pink
table ah. Ano ba kahulugan ng pink table na yan sa buhay mo?
bakit yan at iyan nalang gusto mong regalo?!

Sosep: Mommy sige na, mamaya ko nalang sasabihin, after kong pumunta sa bahay ng
Classmate ko, may party kc sila. Sige na ma.

Mrs. Bagumbuhay: Anak, O cge, hintayin kita sa bahay ah. Tapos sabihin mo na
Kung ano ang Pink Table ah.

Sosep: OK ma, bye I Love You.
........

Ngunit habang patawid ng daan si Sosep, biglang!
Boom, Blag, Wappak!, Sapul! Tug.!
Na hit n' run si Sosep. Kitang kita nang kanyang ina
ang nangyari sa anak. Kaya dali-dali nilang mag-asawang dinala
sa pinaka malapit na ospital si Sosep.

Habang nasa sasakyan. Hirap na hirap na si Sosep.

........
Sosep: Ma, parang mamamatay na ata ako..

Mrs. Bagumbuhay: Anak, wag kang mag salita ng ganyan.

Sosep: Ma, gusto mo na bang malaman kung ano ang kahulugan ng pink table?

Mrs. Bagumbuhay: Ano nga ba iyon anak?

Sosep: Ang ibig sabihin po nun ayyy..
ayy...
ayy...
ano po...
ayy.. (thug.)

Namatay na si Sosep.
........................................

Makalipas ang ilang gabi..
bigalang napanaginipan ni Mrs. Bagumbuhay si Sosep
at sa panaginip ay nag usap sila.

........
Sosep: Ma, nandito na ulit ako.

Mrs. Bagumbuhay: Anak, kumusta ka na? Miss na kita anak ko.. Sasabihin mo na ba
ang kahulugan ng pink table?
Sosep: Ma hindi dito, bukas nalang po, magpapaalam ako, na bababa ako sa lupa ng
madaling madali lang para sabihin ang kahulugan ng Pink Table, gusto ko
palabasin mo lahat ng kapitbahay natin at magpa fiesta ka ma, maraming
handaan.
........

.............
KINABUKASAN..
.............
Isang malaking pag titipon ang naganap sa barangay nina
Mr. & Mrs. Bagumbuhay, kasama lahat ng tao sa barangay.

nang biglang nagbukas ang kalangitan at lumitaw si
Sosep..

Tuwang tuwa ang mga tao..
Nag sisigawan sila at nagpa tugtog ng component ng sobrang lakas.

Mga Tao: woooohhh!!! sosep! yeah! bumalik kanga
wahhhh.. mabuhay ka sosep.. yeahhh...
woooohhhh... plak. plak plak.

Sound: Po po po po poker face.. Po po po po poker face..
Low low low low.....

Mrs. Bagumbuhay: Anak ko, nag balik ka nga.


Nang pag tungtong ng mga paa ni Sosep sa lupa. Umakyat na
rin ito pabalik sa Langit.
Natahimik ang mga tao dahil hindi pa niya
nasasabi umaalis na nga siya.

Mrs. Bagumbuhay: Anak, hindi mo pa nasasabi ang ibig sabihin ng pink table umaalis
ka na nga..

Sosep: (naiinis) pano kc! habang pababa ako sinasabi ko na!! ang iingay ninyo kc eh
kaya hindi nyo narinig!..



THE END.....


bwahahah..

Isa paring napaka laking Misteryo ng PINK TABLE


Sino nakaka alam?
Leave a Comment.. thank u.
ben_thoughts@yahoo.com

No comments:

Post a Comment