Thursday, July 2, 2009

Wag kc Ganun: Dapat Quit Smoking


Ano bang meron sa pag hithit ng sigarilyo?

Bakit adik na adik halos lahat ng tao dito?

Kapag nasimulan na nila ayaw na nilang tigilan.


_Acetone: -pang alis ng kyotex sa kuko..
_Cyanide: -nakamamatay na lason..
_Formaldehiyde: -pang embalsamo s patay..
_Nicotine: -pang patay ng ipis..
_Polonium: -cancer na galing sa mga radioactive element..

Ilan lang yan sa 4000 na sangkap sa pag-gawa ng isang stick ng sigarilyo. Naisip mo bang iyan ang ilan sa pinapasok mo sa iyong katawan habang sarap na sarap ka sa paghithit ng sigarilyo mo? Malamang hindi mo na iniisip ang masamang maidudulot nito sayo, habang ramdam mo ang kakaibang sarap ng pagdaloy ng usok patungo sa inosente mong baga(lung).
Marami kang taong makikita na gumagamit nito. Malamang pati mismo sa loob ng bahay ninyo ay merong adik na adik dito. Sa dami ng tumatangkilik sa paninigarilyo milyon-milyon ang kinikita ng mga factory na gumagawa nito.



........ SIR. KING KONG - kaninang umaga lamang ang sarap manapak ng Professor kung sino pa ang na turinggang kailangan magturo ng tamang asal e siya pa itong nagsimula at nagpakita ng kababuyang tunay. Habang nag lelevel ako ng theodolite kasama ng aking mga ka grupo sa HSURVEY LAB. Biglang nag labasan ang mga mahiwagang posporo at lighter, sabay hugot sa nakakamatay na espada ni kamatayan(sigarilyo). Nagtaka ako kung bakit hindi binabawalan at sinusuway ng aking guro ang mga kaklase kong ito. Nang tunguhin ko ang aking tingin sa aking guro, para akong nakakita ng kapreng lumiit. Ayun siya pala ang pasimuno sa paglabas ng mga mahihiwagang sandata. Di mo iisiping siya pa ang dahilan sa mga pangyayaring iyon. Pasaway na Prof. wag ganun!

....... BART MALL - sentro ng usok at tirahan ng mga kapreng walang matuluyan habang nagmumuni muni. Isang lugar na kulang nalang ay maging langit na me ulap sa dami ng mga naninigarilyo sa lugar na iyon. Maliban sa mga internet shop at xerox machine na maaaring makita, mga estudyanteng nakahiligan nalang ang tumambay doon at humithit ng sigarilyo. Maaari din silang tawaging mga taong di tambutso, parang mga sasakyan kung bumuga ng usok walang pakeelam sa mga nakapaligid sa kanila. Wag ganun!

...... SH MEN'S C.R. - palibhasa dominante ang mga lalaki kaya di kataka takang maraming kalalakihan ang nahihilig sa pag hithit ng espada ni kamatayan. Pagkatapos ng isa kong subject, bigla kong naramdaman ang maduming likidong nais kumawala sa aking katawan kaya naman tumungo ako sa isa sa napakaraming sh men's c.r. wala lang pagpasok ko ramdan na ramdaman ko ang prisensya ni kamatayan at pagdungaw ko sa toilet bowl ayun nandun na ang gamit at upos na espada ni kamatayan. Kung minsan pa nga huli sa akto ang ibang alagad ni kamatayan. Mga adik talaga, wag ganun!

..... TSUPER SMOKE LOVER - sumakay ka na ba sa mga ito? Kaasar sarap talagang manapak. Pero kailangan kong pigilan ang aking sarili, kaya kuha nalang ng panyo at takpan ang ilong at bibig. Napakadami ring tsuper ang ka join sa fans club ni kamatayan. Maliban sa usok na nang gagaling sa tambutso ng sasakyan, isa pang usok ang nakaka bulahaw sa mga pasahero ng jeep tulad ko. Ito ay ang tsuper na me tambutso implant sa bibig. Wala lang, hassle lang kasi nakasakay ka sa jeep tapos me naninigarilyo tapos ung driver pa, sana wag ganun..


..Kanya kanyang trip nga lang yan..
.. Walang basagan ng trip

Pero sana ang trip mo ay di nakaka apekto ng masama sa ibang tao..
Walang pumipigil sa trip mo pero siguraduhin mong wala kang dina damay na ibang tao. Dahil mas grabe pa ang maaring mang yari sa mga taong nakalalanghap ng usok mo. Kaya nga hindi sila naninigarilyo kc ayaw niya ng usok sa katawan tapos ikaw si itong walang pakundangan kung magbuga ng lason. Wag ganun.

Bago mo isipin sarili mo,
isipin mo muna ang kapakanan ng mga taong
napapaligiran mo.

Hindi lang ito para sa ibang tao
ito ay para na rin sa pansariling
KALIGTASAN mo.


QUIT SMOKING..

STOP 2ND HAND SMOKE..

SAVE YOUR SELF, SAVE OTHERS, SAVE THE EARTH.

No comments:

Post a Comment